Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Coco pinasalamatan ni Grace Poe

NI: RONALINE AVECILLA

Magtatapos ngayong araw na ito ng “FPJ’s Ang Probinsyano. Hindi pinalagpas ni Sen. Grace Poe na magpasalamat sa mga sumuporta at naging bahagi ng teleseryeng huling ginampanan ng kanyang ina na si Susan Roces.

Malapit sa puso ni Grace ang seryeng umere ng halos pitong taon dahil sa legacy na iniwan ng kanyang mga magulang.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa eksklusibong video na inilabas ng Dreamscape entertainment, taos puso ang pasasalamat niya sa buong produksiyong bumuo ng teleserye, lalo na kay Coco Martin.

Aniya, “Nais ko rin pong magpasalamat sa buong cast at crew at sa Kapamilya network na pinangungunahan ni Cardo na si Coco Martin sa inyong paggawa ng isang dekalidad na programa na nagbigay ng pag-asa, inspirasyon, at kaligayahan sa ating mga kababayan.”

Inimbitahan din ng Senadora ang lahat na panoorin ang tinaguriang “Ang Pambansang Pagtatapos” ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ngayong Biyernes, ika-12 ng Agosto.