Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Carlos, Cool Smahers papanain King Whale

Semifinals (Single Round)

Teams W L

Creamline 3 0

Taipei King Whale 2 0

PLDT 2 2

Cignal HD 1 2

Army-Black Mamba 0 4

Laro ngayon: (FilOil EcoOil Centre)

NAKAAMBA ang napipintong pangwawalis ng Creamline Cool Smashers sa semifinals na tiyak na pangungunahan muli ni 2022 Open Conference MVP Diana Mae “Tots” Carlos kontra sa mga dayuhan galing Taiwan na Taipei King Whale sa huling linggo ng semifinal matches ng Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference sa FilOil EcoOil Centre Biyernes ng hapon.

Isang panalo na lamang ang nalalabi sa naghahanap ng back-to-back na kampeonato na Cool Smashers na galing sa madaling pagdispatsa sa Cignal HD Spikers sa pamamagitan ng 25-17, 25-15, 25-22 panalo.

Susubukan muling pagbidahan ng 24-anyos na opposite hitter ang opensiba ng nangungunang Cool Smashers sa 3-0 kartada laban sa grupo ng playmaker na si Liao Yi-Jen na King Whale (2-0) sa ganap na alas-4:00 ng hapon.

Sa tatlong nagdaang laro ng Cool Smashers ay bumibira ng 20+ puntos ang dating University of the Philippines Lady Maroons spiker laban sa Army-Black Mamba na may 24, kontra PLDT High Speed Hitters na kumubra ng 22 at impresibong 21 points laban naman sa Cignal nitong nagdaang Lunes.

Hindi naman nag-iisang arsenal ng Creamline si Carlos, bagkus ay sangkaterba ang maaaring pagkunan ng puntos kasama sina three-time league MVP Alyssa Valdez, power hitter Jema Galanza, playmaker Julia De Guzman, opposite hitter Michelle Gumabao, middle blockers Jeannette Panaga, Celine Domingo at Risa Sato at liberos Kyla Atienza at Jorella De Jesus.

Hindi naman padadaig ang tropa ni Liao at King Whale na galing sa pambihirang 5-set na panalo laban sa PLDT sa 23-25, 25-20, 25-23, 20-25, q5-13 nitong Martes.

Pinagbidahan sila ni Brazilian hitter Beatirz Flavio de Carlvaho na nagtapos sa 19 puntos, katueang sina Chen Li-Jun, Chen Chieh at Tsai Qin Yao, habang naging mahusay ang distribusyon ng bola ni Liao na may 36 excellent sets, na itinuturing na bagong ‘paborito ng mga Pinoy.’

Sakaling magtagumpay ang Taipei King Whale laban sa Creamline, paniguradong aabante na ito sa best-of-three Finals kontra sa parehong koponan, subalit sakaling manaig ang Cool Smashers ay kinakailangang talunin nito ang Cignal HD Spikers sa darating na Sabado upang mai-set ang title bout sa Cool Smashers. (Gerard Arce)