Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

BuCor pinasilip ng DOJ sa eksperto

Matapos tukuyin na isa sa problematic agency ang Bureau of Corrections(BuCor) kumunsulta na si Justice Secretary Crispin Remulla sa isang international prison reform expert para sa pagbalangkas ng plano sa pagpapatupad ng reporma sa correction system sa bansa.

Ang pakikipagpulong ni Remulla kay Prof. Raymund Narag, dating inmate na nakulong ng 7 taon subalit ngayon ay associate professor na Southern Illinois University ay tila dagok naman sa pamumuno ni BuCor chief Gerald Bantag.

Sinabi ni Atty Nico Clavano ng Office of the secretary na nais ni Remulla na iayos ang correction system sa bansa sa naging pakikipagpulong nito kay Narag.

“It is uncertain in what capacity Prof. Narag will come in as but the two shared opinions and compared notes on the changes they seek to make,” nauna nang pahayag ni Clavano.

SM food to go Banner Ad

Si Bantag ay naitalaga bilang BuCor noong 2019 subalit ilang kontrobersya sa pamumuno sa ahensya ang kinasangutan nito.
Ayon sa mga BuCor official na tumangging magpabanggit ng pangalan sa loob ng 3 taon ay wala pa ding pagbabago ang correctional facility sa ilalim ni Bantag.

Makailang beses din na naharap sa kontrobersiya si Bantag kung saan dineklara pa itong persona non grata sa Muntinlupa City matapos nyang harangan ng mga pader ang ilang komunidad sa lungsod at isinara sa motorista ang isang kalsada bilang dagdag seguridad sa New Bilibid Prison(NBP) nang walang permiso mula sa lokal na pamahalaan at nagdulot ng malaking perwisyo sa mga residente.

Pumasok din sa isang maanomalyang Joint Venture Agreement(JVA) si Bantag sa pagitan ng Agua Tierra Oro Mina Development Corporation(ATOM) para sa paglipat ng prison facilities mula sa National Bilibid Prison(NBP) sa Muntinlupa City sa Nueva Ecija nang walang kunsultasyon at bidding process. Ang nasabing kasunduan ay pinasuspinde ng DoJ.

Hindi rin kinunsulta noon ni Bantag si Secretary Menardo Guevarra nang payagan nitong mainterview ng isang broadcast network sa loob ng NBP ang nakakulong na si Ret Gen Jovito Palparan ito ay administrative case.