Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Blackpink Lisa tagumpay Cabaret show sa Paris

Anneong
Anneong

Matagumpay na natapos ng sikat na Blackpink member na si Lisa Manoban ang kanyang performances sa ‘Crazy Horse Cabaret’ show sa Paris, France.

Napanood si Lisa mula September 28 hanggang 30. Naging kontrobersiyal, lalo na sa mga fan ni Lisa, ang desisyon niya na maging guest performer sa kilalang Crazy Horse show.

Ang Crazy Horse o Le Crazy Horse de Paris ay isang Parisian cabaret na kilala bilang stage show at ang performers ay nude female dancers. Nagsimula ito noon pang 1951.

Sa konsepto pa lang ng show, madaling maintindihan kung bakit hindi positibo ang pagtanggap, lalo na ng mga Korean fans ni Lisa, na maging bahagi siya ng sikat na stage show na ito.

May mga komento rin na kaya raw siguro okey kay Lisa na mag-perform sa ‘The Crazy Horse’ ay dahil sa Thailand, kunsaan siya pinanganak at lumaki, tila normal ang strip show.

Dahil bawal kumuha ng video sa mismong performance, base sa mga fan accounts na nakapanood, hindi naman daw naghubad si Lisa o nakahubad si Lisa sa mga naging performances niya. Bukod-tangi lang daw ito na may bra. Though, tinapatan din naman niya ng sexy costume ang mga performers. Ayon din sa iba pang fan account, “The most that Lisa showed was herself in a bikini.”

Pinuri rin ng mga nakapanood ng show si Lisa. Ilan sa mga comment, “Lisa’s performance is so artistic!” “Lisa is not nude.”

Pero ganun pa man, komento pa rin ng ibang netizen o fans, “It’s funny they’re stressing she was not nude, lol. Why did she even do the show in the first place?”

“Taking off clothes one by one is still a strip show, even if she didn’t show her bare chest.”

“The theme or concept of the show isn’t even good,”

Sinuportahan naman si Lisa ng ilang kilalang celebrities. Ilan sa mga ito ay ang co-members niya sa Blackpink na sina Jisoo at Rosé na nanood. Gayundin ang Spanish singer na si Rosalia. Ang American rapper na si Tyga. At ang rumored boyfriend ni Lisa, ang heir to the LVMH empire na si Frédéric Arnault.