Naglabas ng pahayag ang kinatawan ng produ ng pelikulang “1521” na pinagbibidahan ni Bea Alonzo tungkol sa isyung kinasasangkutan ng aktres.
Pinabulaanan nitong ‘kinawawa’ umano nila ang aktres kaya ayaw nitong mag-promote ng nasabing historical drama na kinunan sa Palawan.
Ayon sa kinatawan, marami raw unreasonable demands o expectations ang aktres na wala sa kontrata nila.
Hindi rin daw totoong sa pipitsugin at de tabong hotel pinatira ang aktres.
Katunayan, sa isang luxurious hotel daw na may.shower rooms at swimming pool pa, ibinook ang aktres.
Aniya, kung hindi man daw binayaran ng produ ang team na kasama ni Bea, ito ay dahil hindi iyon kasama sa kontrata nila.
Sa claim daw naman ng staff ng aktres na si Bea ang nagbayad ng costume niya sa movie, pinasinungalingan din ito ng producer.
Ang siste raw ay di bet ni Bea ipaayos ang mga costumes niyang dapat ipaayos sa costume designer ng movie.
Sa iba pa nagpaayos ng costume ang aktres kaya siyempre, siya ang sumagot ng gastos.
Tungkol daw naman sa talents na di raw binayaran, may resibo ang producer na bayad silang lahat.
Kung may hindi binayaran, iyon daw ay ang ekstrang dancers na nag-volunteer para gumanda ang pelikulang ginawa nila.
Wala rin daw ipinangako ang produ na ang kapalit ng kanilang serbisyo ay ang pakikipag-selfie kay Bea.
Bukas naman ang pitak na ito sa panig ng kampo ni Bea sa nabanggit na isyu.