Kahit may isyung ‘demanding’ daw si Bea Alonzo at may mga wala raw sa kontrata sa pelikulang ‘1521’ na ni-request ng aktres habang nagsu-shooting ng nabanggit na pelikula, sinabi ng isang nakausap namin na walang balak ang fiancée ni Dominic Roque na sumagot sa isyung ‘yon.
Dedma na nga lang daw ang Kapuso actress sa bintang na ‘yon.
Hindi raw maaasahang magkomento ng kahit na ano si Bea tungkol sa pelikulang ginawa niya na iri-release na raw abroad.
Kahit ang management team diumano ni Bea ay hindi magsasalita sa bagay na ‘yon.
Nauna rito, may isyung lumabas na ayaw diumano ni Bea na i-promote ang nasabing pelikula dahil sa ilang hindi pagkakaunawaan sa production.
Pero sabi naman ng isang nakausap namin, wala diumanong sinasabi ang aktres na ganoon.
Basta tahimik lang daw si Bea at at manager niyang si Shirley Kuan.
Samantala, marami naman ang umaasa at nagsasabing sana ay maging maayos na lang daw ang tungkol sa mga isyu sa ‘1521’.
Actually, mismong ang producer naman ng nasabing pelikula ay walang opisyal na pahayag tungkol sa mga intrigang naglalabasan.
Mananatiling bukas ang mga pahina ng Abante TONITE sa panig ni Bea, pati sa mga producer ng ‘1521’ kung nais nilang magbigay ng kanilang panig tungkol sa mga isyung naglalabasan. (Jun Lalin)