Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Barangay, SK eleksyon hatulan na – Comelec chief

Umaasa si Commission on Elections (Comelec) chairperson George Garcia na ihahayag ng Kongreso bago bago mag-Setyembre ang desisyon sa usapin ng pagdaraos ng 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Disyembre.

Aniya, inaabangan nila ang pagdinig para sa BSKE kasunod ng mga panawagan sa pagpapaliban nito para makatipid ng P8.141 bilyon.

Gayunman, naniniwala si Garcia na dapat matuloy ang BSKE ayon sa plano dahil magreresulta ito sa isang umuunlad na demokrasya para sa bansa.

“Ang isang eleksyon, ‘yan ang nagiging paraan upang palitan ang mga tiwali, walang kuwenta, at hindi talaga mga performer na nanunungkulan sa ating pamahalaan. At the same time, ‘yan naman ay isa ring pagkakataon para mapanatili natin ang mga lider na sa ating palagay ay dapat sa kanilang tungkulin,” giit ni Garcia.

Nauna nang sinabi ni Garcia na handa na ang poll body para sa BSKE kung saan, P5 milyon mula sa P8.4 bilyong budget dito ang nagastos na sa rehistrasyon ng mga botante at pagbabayad ng mga manggagawang nag-overtime para sa paghahanda. (Mina Navarro)