Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Balasahan sa pulisya umarangkada

Sinimulan na ni Philippine National Police (PNP) chief General Rodolfo Azurin Jr. kahapon ang malawakang balasahan sa hanay ng pulisya kung saan mahigit 30 matataas na opisyal ang itinalaga sa mga bagong puwesto.

Si Police Lt. General Chiquito Malayo ang bagong deputy chief for administration, pangalawa sa pinakamataas na puwesto sa PNP kapalit si Lt. Gen. Rhodel Sermonia na mapupunta sa Area Police Command (APC) Visayas.

Itinalaga naman si dating Directorate for Comptrollership (DC) Major General Benjamin Santos bilang deputy chief for operation, ang No. 3 man sa PNP, kapalit ni dating PNP Officer-in-Charge (OIC) Lt. Gen. Vicente Danao Jr., na mapupunta sa APC Mindanao.

Si Major General Arthur Bisnar, dating Director ng Directorate for Human Resource and Doctrine Development (DHRDD) ang bagong chief of directoral staff, ang No. 4 man sa hanay ng PNP.

Ayon sa PNP, ang isinagawang reorganisasyon sa kanilang hanay ay bilang pagbibigay ng oportunidad at career growth sa mga opisyal gayundin ang pagpapalakas sa mga tanggapan at unit ng pulisya. (Edwin Balasa)