Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Babaeng notoryus tinimbog

Arestado ang isang babaeng miyembro ng notoryus na “Pantoja Crime at Drug group” sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Manila Police District-Police Station 14, kamakalawa sa may Castillejos St., Quiapo, Maynila.

Kinilala ni PMajor Gil John Lobaton, commander ng MPD PS-14, ang suspek na si Cristina Cubacub alyas Matet, nasa hustong edad. Kasamang naaresto ni Cubacub si Stephen Sia.

Naaresto ang suspek alas-6:40 ng gabi sa nabanggit at nakumpiska sa kanya ang apat na sachet ng shabu na nagkakahalagang P6,800 at P500 marked money.

Sinampahan ng kasong paglabag sa section 5 and Section 11 Article II of RA 9165 kilala bilang Dangerous Drug Act of 2002 at paglabag naman sa Section 11 Article ll, ng RA 9165 si Sia sa Manila Prosecutors Office. (Juliet de Loza-Cudia)