Naging usap-usapan si Anne Curtis sa pagdalo niya sa GMA Gala 2023 dahil sa kanyang kontrobersiyal na mala-‘lumpia wrapper’ na kasuotan noong Hulyo. Pero sa kabila ng pang-ookray na natanggap, nagawa pa rin ng actress-TV host na huwag mapikon at pagtawanan na lang ang sarili.
Inabangan naman ang pag-attend niya sa ABS-CBN Ball dahil napabalitang imbitado rin siya sa nasabing glitz and glamour event ng Kapamilya network.
But kahit na bet niyang dumalo, tila mas nauna na niyang tanguan ang pagrampa sa Paris Fashion Week.
Hirit tuloy ng kibitzers, ‘inisnab’ ni Anne ang ABS-CBN Ball dahil mas pinili niyang magpakitang-gilas sa nabanggit na fashion event sa capital ng France.
Bidang-bida naman ang ganda ni Anne sa prestihiyosong PFW kung saan nagningning ang kanyang estrella sa immaculate white dress niya.
Pinuri maging ng pamosong designer na si Mark Bumgarner, stylist na si Liz Uy, at fashion photographer na si BJ Pascual ang kanyang outfit.
Pinusuan din ito nina Solenn Heusaff, Karen Davila, Zsa Zsa Padilla, Bretman Rock, Raymond Gutierrez, at maraming iba pa.
Inihambing naman ng mga nagmamaldita ang kanyang pagka-dyosang look sa co-Pinay attendees na tulad nina Pia Wurtzbach at Nadine Lustre. (Archie Liao)