Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Angeline, Luis pinagtripan si Bayani

NI: ARCHIE LIAO

Sa kanyang vlog, nakipagkuntsabahan si Angeline Quinto sa dating ‘I Can See Your Voice’ host na si Luis Manzano para i-prank ang ilan sa naging kasamahan niyang sing-vestigators sa show.

Tinawagan ni Angeline si Bayani Agbayani at ikinumpisal dito ang kanyang problema.

Aniya, may series of concert daw siya abroad at isang buwan siyang mawawala sa bansa.

Kailangan daw niya ng mapagkakatiwalaang taong mag-aalaga kay Silvio habang nasa ibang bansa siya kaya naisip niyang tawagan ang LOL host.

Sey naman ni Bayani, wala raw namang magiging problema sa kanila dahil malalaki na ang mga anak nila.

Miss na rin daw ng kanyang misis na si Len ang mag-aruga ng baby.

May pa-side comment naman si Luis at biro na umano’y may dugong kidnapper si Bayani kaya patola raw ito.

Pati nga raw, pagdating sa kotse ay puti ang kulay ng sasakyan nito na paboritong kulay raw ng mga kidnapper.

Sa huli, nabuking naman na pinagtripan nina Luis at Angeline si Bayani.

Sey nila, mapagtatanto raw na tunay na kaibigan ito dahil sa intensyon nitong makatulong.