Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

AMA didribol sa BALLOUT

May bago na naman liga na magbubukas ngayong Agosto 21 na BALLOUT Hoops Challenge

Ito ay pinangugunahan ng beteranong coach na si Cris Bautista na isa sa bumuo rin ng VisMin Cup.

Dahil sa experience niya sa pagpapatakbo ng liga, aasahan natin na magiging maganda ang semi pro na liga na ito.

Open ito sa lahat ng edad, isa ang AMA Online school-based basketball team sa mga sasali para magkaroon muli ng exposure ang mga manlalaro ng AMA.

Kaya nagpapasalamat kami sa suporta ni Ambassador Amable R. Aguiluz V at President Dr. Amable C. Aguiluz IX.

Siguradong maganda ang ligang ito dahil kinuha nilang commissioner ang isa sa pinakamagaling na coach ng bansa na si Joe Lipa kung san nakilala siya sa pagxha-champion ng UP sa UAAP sa tambalang Benjie Paras at Ronnie Magsanoc.

Ang mga team na sumali ay ang Cainta, Cavite, Makati, Taguig, Bicol, Quezon City at Las Pinas.

Binabati ko pala ang Elite Philippines club team sa pagkamit nila ng 22nd championship noong nakaraang linggo at binabati ko rin ang mga Finals MVP na sina Irus Chua (15-Under), Ken Atienza (17U), Kieffer Alas (16U) at Charles Dimaano (17U) at sa walang sawang support ng team Manager na si Joseph Chua.

Condolence sa naiwang pamilya ng aking mentor sa pagsusulat na si Tita Malou Aquino.