Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Alert level 1 sa Israel mananatili — DFA

Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy sa Israel na patuloy na mag-ingat kahit nagdeklara ng tigil-putukan ang gobyerno nito at Jihad militant group ng Palestine.

Ayon sa DFA, mananatiling nakataas ang alert level 1 sa Israel kaya dapat pa ring maging alerto ang mga Pinoy dito laban sa mga posible pang mangyari.

Umaasa naman ang DFA na magtutuloy ang ceasefire para na rin sa katahimikan ng lahat, lalo sa Gaza Strip.

Sa tulong ng Egypt bilang mediator, nagkasundo ang dalawang panig noong Linggo ng gabi na wakasan na ang tatlong araw na air strike at rocket attack sa isa’t isa.