Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

7-anyos dinedo, sinako ng rapist na totoy

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 7-anyos na batang babae na matapos gahasain ay pinatay pa at isinilid sa isang sako ng menor-de-edad ding suspek sa bayan ng Pila, Laguna.

Natagpuan ang bangkay ng biktima na nakilalang si Leah May Joy Amadeo, 7, anyos sa isang masukal na parte ng Barangay Masico ng nasabing bayan dakong alas 7;00 ng gabi nitong Lunes.

Samantala nasa kustodiya na ng Pila Municipal Police Station (MPS) ang 15-anyos na suspek sa karumal-dumal na krimen.

Sa salaysay sa himpilan ng pulisya ni Isidro Villanueva, lola ng biktima, alas-kuwatro ng hapon nitong Lunes nang hanapin ng kanyang mga kaanak ang biktima nang bigla na lang itong mawala.

Makalipas ang may tatlong oras na paghahanap ay napunta sila sa isang masukal na lugar sa parte ng kanilang barangay at doon ay nakita nila ang isang sako na tila puno ng laman at nang kanilang buksan ay bumungad ang bangkay ng bata.

Walang saplot pang-ibaba ang biktima at may palatandaan na ginahasa muna ito bago patayin dahil sa mga dugo sa kanyang kaselanan.

May mga pasa at sugat din ang katawan nito, palatandaan na sinaktan ito ng suspek.

Pinatunayan naman ang teorya na ginahasa base sa ginawang awtospiya.

Samantala isang saksi naman ang nagturo sa suspek na siyang may kagagawan ng krimen dahilan upang arestuhin ito at ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya. (Edwin Balasa/Ronilo Dagos)