Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

67 sugatan sa sumabog na imbakan ng gasolina

Umaabot sa 67 katao ang sugatan habang 17 ang nawawala, kabilang ang mga bumbero, nang tamaan ng kidlat at lumiyab ang isang imbakan ng gasolina sa Havana, Cuna noong Sabado.

Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog sa fuel depot nang tamaan ng kidlat ang isa sa mga tangke rito noong Biyernes ng gabi.

Sunod-sunod na umano ang naging pagsabog sa lugar at tumagal ito hanggang noong Sabado. Isinugod sa Faustino Perez provincial hospital ang 67 katao kung saan 15 ang nasa kritikal na kondisyon.

Inilikas ang 800 katao sa lugar habang nawawala pa ang 17 na karamihan ay mga bumberong rumesponde sa sunog. Ang nasabing depot ang supplier ng Antonio Guiteras thermoelectric plant.