Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

100 ruta bubuksan ng LTFRB sa balik-eskuwela

Inihayag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Cheloy Garafil na higit sa 100 dating ruta ang kanilang target na buksan sa pagbabalik-eskuwela simula Agosto 22.

Pero ayon kay Garafil, kailangan lang mag-apply ng bagong prangkisa para muling makapasada sa mga dating ruta.

SM food to go Banner Ad

Aniya, hinihintay din nila na maaprubahan ang kanilang rekomendasyon para sa pagdagragdag pa ng mga bus sa EDSA Carousel.

Nauna nang tiniyak ng Department of Transportation na sasapat ang mga pampublikong sasakyan para sa mga estudyante sa harap ng planong pagbabalik ng full face-to-face classes sa Nobyembre. (Dolly Cabreza)