Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Yassi lumobo tiyan, lumapad balakang

Poproblemahin na naman ni Yassi Pressman ang pagpapayat, ngayong halata na sa pigura ang pagtaba o paglaki ng katawan.

Nag-post si Yassi noon ng journey niya sa pagpapayat dulot ng anxiety. At wagi naman siya dahil nabawasan ang timbang niya.

Pero sa pagliliwaliw ni Yassi sa abroad kasama ang dyowa, napansin ng mga netizen na nagkalaman uli ang aktres at nagkaroon na ng malaking puson.

Sa video dance post niya na naka-white sando, fatigue shorts, napansin na mas lumapad ang balakang niya at lumaki ang tiyan.

Hiyang yata sa pag-ibig ang aktres, na hindi na muna inalintana ang figure.

Well, hindi naman ito masama. Sa paningin ng iba ay mas sexy tignan si Yassi na malaman.

Dennis dinedma ulit ni Claudia

Kinayamutan, kinainisan na naman si Dennis Padilla ng ilang netizen dahil sa post niya ng photo na kasama ang anak nila nila ni Marjorie Barretto, si Claudia.

Dahil sa pagkasabik kay Claudia, nag-throwback post si Dennis ng larawan nila.

“Time flies…Miss you Claui @genepadilla @jenny_ontheblock @claud9s,” caption niya.

Mababasa sa mga comment ang payo ng ilang netizen na tigilan na ni Dennis ang paglalagay sa social media ng kanyang mga anak.

@jitf2022, “Kaya naiinis sa’yo mga anak mo e, puro ka salita, try mo kaya pumunta sa kanila or contact them privately.”

@belski07, “Hi po, ‘wag po puro post sa media. ‘Yun nga ayaw ng mga bata. Visit or do something quietly.”

Nauna nang pinaliwanag ni Dennis sa post na 15 taon na niyang idinidikit ang sarili sa mga anak, pero hindi siya pinapansin.

Ella nilait ng mga Blackpink fan

Habang kinakikiligan ang tweet ni Sharlene San Pedro sa plano niyang panonood ng “Born Pink World Tour”, ayaw namang tantanan ng mga basher si Ella Cruz.

Parehong avid fan ng all girls Korean group na Blackpink sina Sharlene, Ella.

Nag-tweet si Sharlene kung alin anong date siya manonood ng concert, kung October, November, December ba, na gagawin sa US, Europe. O ang concert nila sa Asia?

Kanya-kanyang suggestion ang mga follower ni Sharlene, kung saan magiging maluwag ang pagbili nito ng ticket.

Pero kay Ella, hindi pa man siya nagpu-post ng plano sa Blackpink, sinupalpal agad siya ng mga basher.

Tweet ni @IamCharotism na pinamukha agad kay Ella na maghahanap daw ito ng libreng ticket, “Humanda ka @krung21 hihingian ka naman ni Ella ng ticket. Charot” na ang tinutukoy na @krung21 ay si Sandara Park.

Hirit ng iba, kina Sen. Imee Marcos, Direk Darryl Yap daw ito manghihingi ng tiket.

Elias mala-anghel mukha

Kulang na lang talaga ay dugo ni Derek Ramsay ang manalaytay sa ugat ng anak ni Ellen Adarna kay John Lloyd Cruz, ha!

Haling na haling si Derek sa bata at kahit sa pagtulog nito ay pinipiktyuran pa niya ang mukha ng bata sa sobrang pagkagiliw niya.

Nakaposte sa Instagram ni Derek ang video na makikitang nakabalandra ang mukha ni Elias na natutulog habang kinukunan ng photo ni Derek.

Nilapatan pa ni Derek ng nursery ang video, na lalong bumagay sa mala-anghel na mukha ng anak ni Ellen.

Super na na-appreciate ni Derek ang anak ni Ellen, na niyakap na nang husto ang pagiging parang tunay na ama kay Elias.

Marahil ang pagkasabik ni Derek na maging physical father sa kanyang anak, na hindi lumaki sa kanya kundi sa ina nito, ang rason, kaya kay Elias niya binubuhos lahat.

Lovi pinalalayas na sa showbiz

Mas bagay maging model kesa artista si Lovi Poe, sa binahagi niyang photo. Sa iba’t ibang pose na ginawa niya sa photo shoot, doto emote talaga siya na animo international model.

Feel na feel ni Lovi na maglaro sa kamera. Kaya sabi nga, mag-quit na lang sa showbiz si Lovi at mag-focus sa pagmomodelo, at malaki ang potential niya na tulad I Heart Evangelista.

“It take a village to get the right shoot,” sabi ni Lovi.