Ang pinakamakahulugang saludong maibibigay natin kay FVR ay ang pagsasapuso ng mga leksiyon at bilin na kanyang iniwan
Pumanaw na ang tinaguriang pinakamahusay na presidente ng Pilipinas – si Fidel V. Ramos – ang ika-labindalawang pangulo natin.
Mahalagang maisakonteksto ang pagpanaw ni FVR: Iniwan niya tayo sa panahong warak na ang demokrasyang ipinagtanggol niya.
Ang pinakamakahulugang saludong maibibigay natin sa kanya ay ang pagsasapuso ng mga leksiyon at bilin na kanyang iniwan.
Nag-iwan si FVR ng mahahalagang leksiyon sa pulitika, lalo na sa demokrasya. Sana’y makinig si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Higit kailanman ay relevant si FVR sa buhay natin. Paalam, at salamat, FVR. – Rappler.com
BASAHIN: [EDITORIAL] 8 tagubilin ni FVR sa mga pinuno ngayon