Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Vice ‘sunog’ ang pinagsaluhan kay Ion

Ipinakita ni Vice Ganda ang kanyang pagiging maasikasong asawa kay Ion Perez habang nasa New York sila.

Sa kanilang tinutuluyang bahay , kinarir ng “It’s Showtime” host ang pag-aalaga kay Ion.

Sa vlog, tinawagan ng komedyante si Ion at hinanap kung nasaan ito dahil nagising siyang hindi ito katabi.

Sumagot naman si Ion na isang shop siya at bibili siya ng aksesorya para sa kanyang bike at mga dalawang oras pa raw siya bago makakabalik.

Sey tuloy ng kibitzers, bantay-sarado ni Vice ang kanyang mister dahil takot itong masingitan ng iba.

Habang wala si Ion, naghanda si Vice sa pagluluto ng paborito niyang mga putaheng pork steak at paella Americana with chorizo del bilbao.

SM food to go Banner Ad

Kaso, medyo nasunog ang steak niyang niluto na pagsasaluhan nila ni Ion.

Nang medyo nainip na, tinawagan uli niya si Ion at inalam kung nasaan na ito.

Sagot naman ni Ion, on the way na raw siya sa kanilang pugad sa New York.

Pagdating ng dating Mr. Escort, nakita nitong nagluluto ang kanyang misis kaya naman hindi nito napigilang yakapin ito na talaga namang nagpakilig sa kanilang followers.

Masaya naman ang naging bonding ng mag-asawa sa kanilang pagsasalo kahit pa medyo overcooked ang steak na niluto ng komedyante.

Marami rin ang humanga sa pagiging devoted ni Vice kay Ion bagamat meron namang ilang naga-ampalaya na tinataningan ang kanilang relasyon.