Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Vhong na-depress sa rape case

NI: ARCHIE LIAO

Ayon sa Darna director at talent manager na si Chito Roño, na-depress daw ang kanyang talent na si Vhong Navarro kaugnay ng muling pagkabuhay ng kanyang kaso.

Matatandaang muling binuhay ng Court of Appeals (CA) ang kaso ng rape at acts of lasciviousness na ihinain ni Deniece Cornejo sa It’s Showtime host na nabigyan na ang resolusyon noong 2018 at 2020.

Sey naman ni Direk Chito, iaapela raw nila ang kaso.

Pinaninindigan kasi nila ang kawalan ng kasalanan o pagiging inosente ng actor.