Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Valerie, mister hiwalay ng bahay

NI: Mildred A. Bacud

Tatlong taon na mula nang ikinasal si Valerie Concepcion. Pero, LDR pa rin pala ang set up ng kanilang relasyon. Ito ang tsika niya sa amin nang makasalubong namin siya sa isang mall sa QC.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi nga namin siya nakilala nu’ng una dahil nakasalamin at naka-mask. Halatang blooming at lalong gumanda ang aktres. Happy naman daw siya sa buhay may-asawa kahit may kulang.

“Kahit kasi mag-asawa na kami hindi pa rin talaga namin ma-feel kasi hindi pa talaga kami nagsasama sa isang bahay talaga. Long distance pa rin kasi nasa ibang bansa ang trabaho niya, ako naman nandito sa Pilipinas,” aniya.

Pwede raw ang husband na si Francis Sunga ang mamalagi na dito o di kaya naman ay sila ng anak na si Fiona ang sumunod sa Guam. Wala rin daw conflict sa anak dahil itinuturing na niyang ama ang asawa.