Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Tinulak ni Robin! 1M multa, 8 taon kulongsa diskriminasyon

Para matiyak na pagkapantay-pantay ng mga Pilipino ay mapreserba at maprotektahan ang dignigdad, isinusulong ni Senador Robin Padilla ang panukala na magpaparusa at magmumulta sa mga lumalabag laban sa diskriminasyon.

Sa Senate Bill No. 233 o Anti-Discrimination Act, nais ni Padilla na pagmultahin ng P1 milyon at 6-8 taong pagkakakulong sa mga tao or organisasyon na gumagawa ng ‘acts of discrimination’ base sa kanilang lahi, etnisidad o relihiyon.

Ayon kay Padilla, nakaranas ng diskriminasyon dahil sa kanyang pagiging isang Muslim – dapat protektahan ang karapatan ng lahat ng Pilipino, at walang puwang para sa diskriminasyon dahil sa lahi, relihiyon o pagiging dating bilanggo.

Mabibigat na parusa ang isinusulong ng panukalang batas, kasama ang pagkakulong na hindi bababa sa anim na taon, at multang hindi bababa sa P100,000.

Sabi pa ni Padilla, naranasan niya ang hirap sa pagnenegosyo dahil sa kanyang pananampalataya. Bukod dito, nagkaroon din aniya ng ibang insidente ng diskriminasyon tulad ng memorandum ng pulis-NCR para i-require ang “identification” ng mga estudyanteng Muslim noong 2019.

Kasama sa mga parusa sa paglabag ang sumusunod:

Multang hindi bababa sa P100,000, anim na taong pagkulong o pareho sa unang paglabag;

Multang hindi bababa sa P500,000 hanggang P1 milyon, walong taong pagkulong o pareho sa susunod pang paglabag.

Multang P500,000 pataas, pagkulong ng walong taon pataas o pareho ang itinakda sa opisyal ng pamahalaan at mga opisyal ng korporasyon na lalabag. Kung dayuhan ang naglabag, agad itong ide-deport matapos ang pagkulong. (Dindo Matining)