Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

‘The Voice Kids’ nasa GMA na Sarah, Bamboo inaabangan sa kapuso network

Walang tigil ang lipatan blues, huh!

Hindi apektado ang GMA Network sa napipintong pagbubukas ng network ng mga Villar.

Kunsabagay ilang beses na ring nagpalit ng plano ang TV5 simula noon pa, pero hindi pa rin naman sila umalagwa.

Well, nag-umpisa nga sa bonggang-bonggang pamimirata ng mga malalaking artista noon ang TV5, na pinainan pa ng malalaking talent fee, na bumigay naman ang ibang malalaking artista, na lumipat nga, pero ang ending ay na punta sa wala ang lahat.

Tapos binago rin ang image ng network na ginawang sports channel at ngayon ay bumalik na naman sila sa dati na mga simpleng programa gamit ang ilang artista na hindi bumitaw sa kanila at mukhang okey naman.

Pero, ang maganda ay marami nabibigyan ng trabaho, at okey talaga `yon.

Samantala ay may nakarating sa amin sitsit na nabili na pala ng GMA ang rights ng ‘The Voice Kids’ na dating nasa ABS-CBN. Ibig sabihin kasama ang mga judge, minus Lea Salonga na faithful daw sa ABS CBN. Kaya malamang susunod na rin kay Matteo Guidicelli si Sarah Geronimo. Kasama rin siyempre si Bamboo. Magiging Kapuso na sila.

May mga nagco-comment din na lalo na raw mababawasan ang trabaho ng mga GMA talent. Hindi naman po yata, dahil ang policy ng GMA ay priority ang kanilang mga talent, lalo na ang homegrown talent nila.

Ex-VP ng Siyete lilipat sa Net25

Maski ang Net25 ng Iglesia Ni Cristo ay dumarami na rin ang mga variety program nila. Lalo na nang pumasok doon ang dating big boss ng GMA Entertainment group na si Ma’am Wilma Galvante na tahimik na lumilikha ng iba’t ibang programa para sa Net25.

Hindi malayo na baka doon din mapunta ang dating GMA VP for Entertainment na si Redgie Magno. May mga kumakausap daw sa kanya at magdedesisyon siya pagbalik from Australia kung saan siya nagbabakasyon.

Kaya wait na lang tayo sa mga kaganapan.