Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Teejay naghamong isumbong kay Tulfo

NI: ARCHIE LIAO

Nasangkot noon sa isyu si Teejay Marquez sa isang obsessed fan na na-in love sa kanya.

Katunayan, ipinagkalat pa ng nasabing faney noong 2019 na nagkaroon sila ng relasyon at nagkautang umano sa kanya ang actor ng P10M.

Tinakot din siya ng obsessed fan na idedemanda ang actor pero hanggang sa kasalukuyan ay wala pa namang naisasampang kaso laban sa kanya.

Nang magkita kami, naurirat ko siya kung ginugulo pa rin ba siya ng nasabing fan.

Aniya, wala raw namang nangyari sa claim ng faney lalo pa’t alam niya sa sarili niyang hindi siya guilty.

Muli niyang iginiit na never din siyang nagkautang kahit kanino.

“Kung talagang nagkautang ako, maglabas siya ng ebidensya at huwag na lang mag-ingay. May napatunayan ba? May demanda ba? Wala. Kung totoo, ipa-Tulfo pa niya ako,”hirit ni Teejay.

“Until now, hindi pa rin po ako idinedemanda. Until now, wala namang subpoena dahil alam ko naman sa sarili kong hindi ako nagkautang kahit kanino ng P10 million,”dugtong niya.

Speaking of movies, si Teejay ay mapapanood sa pelikulang “Anatomiya”, isang horror-slasher film na idinirehe ni Martin Mayuga under AQ Prime na kamakailan lang ay nagkaroon ng app launch.

Kasama niya sa pelikula sina Emmanuel Vera, Yana Fuentes, Shido Roxas, Cataleya Surio at Elijah Filamor.