Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Tagle matunog na papalit kay Pope Francis

Matunog ang pangalan ni dating Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle na isa sa dalawang na¬ngungunang kandidato na papalit kay Pope Francis.

Ito ay inilutang ng isang London-based Roman Catholic monthly newspaper.

Ayon sa Catholic Herald, ang appointment ni Pope mula sa developing world gaya ni Cardinal Luis Antonio Tagle ay pinuri ng liberals.

Kabilang din si Hungarian Cardinal Peter Erdo sa pinagpipiliang maging kahalili ni Pope Francis.

Sa pinakahuling Newsweek nakasaad na binigyan si Cardinal Tagle ng “5/1 odds” para mahalal na susunod na Santo Papa ng British bookmakers na OLBG.

Nakita rin na si Tagle ay “top papal contender” dahil sa serye ng kanyang promosyon na isang malinaw na indikasyon. (Juliet de Loza-Cudia)