Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Sorpresang drug test sa BJMP ikakasa ni Abalos

Isasailalim sa sorpresang drug test ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa mga kulungan sa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

kasunod ito ng mga ulat na na may big-time drug lord ang nag-o-operate umano sa loob ng mga piitan.

“I will personally go to our jails and I will be conducting surprise drug testing of BJMP personnel and PDLs in those jails. Magpapa-urinalysis ako sa jails. So I’m warning each and?every?BJMP?warden?and?personnel, kapag may nag-positive, then it means na may nakapasok na droga sa mga jail facilities natin,” pahayag ni Abalos sa isinagawang command visit sa BJMP National Headquarters.

Aniya, nagagawa ng mga drug lord na mag-operate sa loob ng mga bilangguan dahil may kontak sila sa labas kaya inirekomenda niya ang paggamit ng signal jammer upang maputol ang komunikasyon ng mga ito.

Kasabay nito, inatasan din ni Abalos Jr. ang BJMP na magsagawa ng medical screening at physical exams para sa mga PDL bago sila ipasok sa piitan.

Nabatid na hanggang noong Hunyo 30, 2022, ang BJMP ay may kabuuan ng 131,193 PDL sa 477 bilangguan sa buong bansa. Ito ay 387% congestion rate kung saan 337 piitan ang congested.

“Mas mabilis ang infection kapag siksikan sa facilities natin. And now we have the problem of monkeypox. So what I want is for us to come up with a memorandum circular on the prevention and response of the BJMP in relation to monkeypox,” ayon pa kay Abalos. (Dolly Cabreza)