Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Sinisilip ng PNP! dinukot na pharma boss binaon sa Batangas

Isang bangkay ang natuklasang nakabaon sa isang bukid sa Sto. Tomas, Batangas City noong Lunes ng umaga na posible umanong mga labi ng nawawalang presidente at may-ari ng malaking pharmaceutical company sa bansa.

Ayon sa mga awtoridad, sinusuri na ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) at Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory ang nabubulok ng bangkay para matukoy ang pagkakakilanlan nito.

Sa report ng Sto. Tomas police, natunton ang pinagbaunan sa bangkay dahil sa text message na natanggap ng CIDG-NCR Hotline mula umano sa isang concerned citizen bandang alas-12:00 ng tanghali.

Ayon sa texter, nalaman niya ang pagkawala ng Pharma boss noong Hulyo 19 habang sakay ng kanyang Land Cruiser. Noong gabi rin na ‘yun, may narinig umano siya na nagmamakaaawa at humihingi ng tulong sa nasabing lugar. Ilang minuto lang at may umalis na aniyang sasakyan dito.

Dahil dito, sumugod ang mga pulis sa lugar kung saan nahukay ang bangkay sa masukal na bahagi ng bukid.

Matatandaan na huling nakitang buhay ang Pharma boss noong Hulyo 19 sa harap ng kanyang bahay sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City. Natagpuan naman ang sunog niyang sasakyan sa San Luis, Pampanga na apat na araw pa lang na nabibili noong Hulyo 20. (Ronilo Dagos)