Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Sharon, Regine nakayapak sa concert

BETH GELENAMay posted video sa YouTube ng Icon concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez na ginanap sa Tate .Inawit nila ang medley songs ng Parokya ni Edgar.

Feeling mga rakista ang mga ito habang palundag-lundag sa pag-awit.

Ang siste dahil mga may takong ang sapatos.ay hindi nila nakayanan na sumakit ang mga paa sa pagtalon.

Ang ending, hinubad nila ang kanilang shoes at nakatapak na lang habang kumakanta’t nagsasayaw nang lumulundag.

In fairness, pwede rin palang makipagsabayan ng rock songs ang dalawang ito.

Komento ng isang netizen, “siguro kaya nagkasakit si Megastar hindi kinaya ang lamig ng semento.”

Songbird solo concert kasado na

Amoy solo concert with a live audience ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

“#SOLO soon,” caption niya sa isang post

Dagdag pa niyang pabiro, “Lam na dis (Alam na this).”

Nag-share rin ang sister-manager niyang si Cacai Mitra ng same photo at naglagay din ng caption na “02.2023,” at hashtag, #series.”

Nangangahulugan na February 2023 magaganap ang solo performance ni Regine.