Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Shanon astig ang pasilip

NI: NONIE NICASIO

Umuusok ang taglay na hotness ni Shanon Tampon. Ito ang mabibistahan sa kanyang Instagram account.

Suot ang hot na black two -piece swimsuit, kaakit-akit ang kanyang kurbada. Idagdag pa ang beauty, wow na wow na legs, malulusog na bumper, at flawless na complexion, tiyak na maraming boys ang tutulo ang laway sa kanyang angking alindog.
Mapanukso ang taglay niyang kariktan. Tunay na umaapaw ang karisma niya sa mga member ng opposite sex.

Tiyak na magiging aligaga ang mga barako sa kanyang astig na pasilip dito.Sadyang yummy ang kabuuan ng dalaga
Si Shanon ang first runner up sa Miss Elite 2022 pageant na ginanap sa Egypt. Siya ay 24 years old, isang entrepreneur, tubong Caloocan City at may vital statistics na 34-24-36. Ang kanyang advocacy ay hinggil sa animal cruelty.

Mahirap magpigil ang isang lalaki na hangaan ang taglay na charm na tulad ng kay Shanon. Sapat ang kanyang malakas karisma sa mga barako para maghatid ng ngiti sa kanilang mga labi at makompleto ang araw nila.