Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Sextortionist timbog sa bet na chatmate

Naunsyami ang isang lalaki na maka-sex ang 17-anyos niyang chatmate matapos itong maaresto sa entrapment operation sa loob ng isang hotel sa Pasig City noong Martes.

Ayon kay Pasig City Police chief Col. Roman Arugay, dumulog sa kanila ang biktima para isumbong ang banta ng suspek na ipakakalat nito sa mga kamag-anak at kaibigan niya ang kanyang mga nude photo kapag hindi siya nakipag-sex dito.

Naglatag agad ng entrapment operation ang Station Intelligence Station (SIS) sa pamumuno nina Maj. Jose Luis Aguirre at Anti-Cybercrime team ng Pasig City Police at dinakip ang suspek, residente ng Barangay Malinao, Pasig City, sa loob ng hotel sa Jenny’s Avenue sa Barangay Rosario, Pasig City bandang alas 12:15 ng hatinggabi.

Lumitaw sa imbestigasyon na nagkakilala ang suspek at biktima sa online hanggang sa magpalitan sila ng matatamis na mensahe at malalaswang larawan at video. Gayunman, hindi nakuntento ang suspek at niyaya na itong makipag-sex. Tumanggi ang biktima pero tinakot siya ng suspek na ikakalat ang mga hubad nitong larawan.

Nahaharap ito sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9775, o ‘Anti-Child Pornography Law’ at pagsuway sa Section 6 ng RA 10175, o ‘Cybercrime Prevention Act of 2012’ na may kaugnayan sa RA 7610, o ‘Special Protection fo Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act’.