Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Severino paldo ng P500K sa PSC, iba pang nagmedalya may subi rin

Taginting sa halos P12M cash ang ipamumudmod ng gobyerno sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa mga atleta’t coach na nakamedalya sa 11th ASEAN Para Games nitong Hulyo 30-Agosto 6 sa Indonesia.

Nasa 80 para athletes ng archery, athletics, badminton, basketball, chess, judo, powerlifting, swimming, at table tennis ang mga nakapag-uwi ng 104 medalya – 28 ginto, 30 pilak, at 46 na tanso, sa pagpanlimang puwesto ng ‘Pinas sa 11 bansa, walong araw na tuwing dalawang taong paligsahan.

Ito ang pinakamagandang pagtapos ng mga Pinoy mula sa 2009 Games sa Malaysia sa likod 24-24-26 na mga medalya.

Base sa Republic Act No. 10699 o Expanded National Athletes and Coaches Incentives and Benefits Act, ang mga gold, silver, at bronze medalist mula sa ASEAN Para Games ay may P150K, P75K at P30K, ayon sa pagkakasunod.

“Our para-athletes showcased their grit and hunger for success in the APG. The support of the Filipino people provided through the PSC are truly reciprocated,” pahayag Huwebes ni PSC Officer-in-Charge at Executive Director Atty. Guillermo Iroy, Jr.

Tatanggap si FIDE Master Sander Severino ng para chess team at tinanghal na bemedalled athlete, ng P500K sa likod ng apat na ginto at dalawang pilak na medalya sa indibidwal at pangkat na kategorya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tig-P450K sina para swimmers Angel Otom at Ariel Joseph Alegarbes na may tig-3 ginto.

Magbubulsa si Paralympian tanker Ernie Gawilan ng P382,500 dahil sa 2 ginto at tig-1 pilak-tanso.

“Umaasa kami na ang reward na ito ay magbibigay sa kanila ng dagdag na morale boost para patuloy na maabot ang kanilang mga pangarap. Nagpapasalamat kami sa lahat ng ating pambansang para-atleta sa lahat ng kanilang sakripisyo at pagmamalaki sa pagtataas ng ating bandila dito at sa kanilang mga darating pang kompetisyon,” panapos na sey ni Iroy.

Pinasasalamatan din ni Deputy Chef de Mission Tricia Rana ang suporta ng PSC sa tagumpay ng koponan. Binigyan ng PSC ang mga para-atleta ng pantay na benepisyo, allowance, at insentibo gaya sa mga regular na atleta, na isa sa pampalakas loob.

“Aside from the determination of our athletes, plus nag-inspire sa kanila to give honor and to give back to what the government through the Philippine Sports Commission is giving them. Malaking tulong po talaga ang ginawa ng PSC,” litanya ni Rana.

Inaayos na ng PSC ang courtesy call kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na plano ring doon isabay ang incentives awarding. (Lito Oredo)