Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Sarhento tinumba habang naka-duty

Patay ang isang pulis matapos itong barilin habang naka-duty sa Police Assistance Center sa Biñan City, Laguna noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang biktima na si P/SSg. Robert Torregrosa, miyembro ng Biñan City police station.

Batay sa report ng pulisya, naka-duty sa loob ng PAC 5 sa Barangay Timbao, Biñan City ang biktima nang pagbabarilin ito ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek bandang alas-nuwebe ng gabi.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Barangay Loman sa Biñan.

Isinugod ang biktima sa Qualimed Hospital Sta. Rosa City pero binawian ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas.
Iniimbestigahan na ang insidente para matukoy ang utak at motibo ng krimen. (Ronilo Dagos)