Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Sarah inoperahan sa mata

Sumailalim sa operasyon sa mga mata si Sarah Lahbati na matagal nang nakararanas ng panlalabo ng paningin.

Sa Instagram ay sinabi niyag dumaan siya sa ICL (implantable collamer lens) operation sa isang clinic nitong Biyernes.

“Woke up with 20/20 vision. So happy about my ICL surgery done yesterday,” ani Sarah.

“I had worn contact lenses and glasses for the longest time while dealing with constant dry eyes & still having to squint to see things,” dagdag pa ng misis ni Richard Gutierrez.

Labis umano siyang natuwa sa resulta ng surgery. Mabilis lamang umano ito at pain-free.

Sa ICL, permanente na ang contact lens sa mga mata. Isa ito sa mga alternatibo sa lasik o laser eye surgery.

Matapos nga ang pagpapa-opera sa kanyang mga mata ay kinakailangang magpahinga nang dalawang linggo ni Sarah.

Need din niya munang magsuot ng goggles araw at gabi, at bawal muna siya mag-workout at mag-makeup. (Batuts Lopez)