Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Roxanne sa Taiwan na titira

Sa latest vlog ni Roxanne Barcelo ay binalita niyang lilipat na ang kanyang pamilya sa bansang Taiwan.

Sa vlog episode na Mother Badidap Migrates, sey ni Roxanne: “Magma-migrate na kami…we’re going to Taiwan. Excited na ako actually kasi masarap ang food at maganda ang kabuuan ng Taiwan. I’m excited for a new chapter, hindi pa nag-si-sink in.”

Nagsimula na raw mag-impake ng kanilang mga gamit si Roxanne at ang husband niyang si Jiggs. Para rin daw sa anak nilang si Cinco ang pag-settle nila sa ibang bansa.

Sey pa ni Roxanne: “I’ve never lived anywhere for the past 23 years apart from Manila and the U.S. Baka may pakanta ako doon, we’ll see. Sana matuloy at sana matupad. If not, food vlogger, char. Gagawin ko talaga ‘yun kasi masarap ang food sa Taiwan and maganda ang fashion. Explore natin lahat.”

Sa pag-migrate ng aktres, mami-miss daw niya ang kanyang mga kaibigan at pamilya. Bibisita naman daw si Roxanne sa Pilipinas every three months.

“Siyempre, mami-miss ko mother ko and brother ko na nasa U.S. even my friends here…I tried na makipag-meet sa kanila as much as possible pero super gahol sa time. We’re just an hour and a half hour flight away and, actually, every three months nandito kami. Hindi niyo ako masyado mami-miss.” (Ruel Mendoza)