Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Robin tinulak cable car para iwas-trapik sa Metro Manila

Ipinanukala ni Senador Robin Padilla ang pagpapakabit ng cable car bilang paraan para mapagaan ang daloy ng trapiko lalo na sa Metro Manila.

Ginawa ni Padilla ang panukala matapos manawagan si Senador Joseph Victor Ejercito sa pamahalaan na pagandahin ang railway system sa bansa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ngayon lang po, gusto ko lamang pong imungkahi sa ating mahal na senador [Ejercito] sa San Juan, meron pong isang nauuso din ngayon na kung tawagin po nila ngayon ay ropeway. Ito po ‘yung paggamit ng cable,” mungkahi ni padilla.

“Nais ko rin po sana na imungkahi po sa inyo na ito po ay bagay din sa Pilipinas, lalong-lalo na sa Metro Manila, dahil sa traffic. Ito po ‘yung mga cable car,” dagdag pa niya. (Dindo Matining)