Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Pulis binardagul ng 5 sa basketball, 3 arestado

Arestado ang tatlo sa limang lalaki matapos nilang lamugin sa bugbog ang isang pulis nang magkapikunan sila habang naglalaro ng basketball sa Sto. Tomas, Batangas kahapon ng madaling-araw.

Kasalukuyang nakaratay sa St. Carbin Hospital dahil sa mga tinamong bugbog sa mukha at katawan ang biktimang si P/SSg. Harliee Sayseng, 30-anyos, ng No. 163 Barangay San Roque, Sto. Tomas, Batangas at nakatalaga sa Headquarters Support Group ng Office of the Chief Directoral Staff (OTCDS).

Samantala, nadakip naman ang tatlo sa mga suspek na nakilalang sina Francis Manarin, 29, Girish Llanto, 24, at Bryan Lopez, 23, habang pinaghahanap sina Robert Ontoy at Carlos Jude Plazo, pawang mga residente ng Barangay San Roque ng nasabing bayan.

Sa ulat na ipinadala ng Sto. Tomas Police Station sa Camp Crame, naglalaro ng basketball ang mga ito nang magkainitan sina Sayseng at Manarin hanggang suntukin ng suspek ang pulis bandang ala-1:30 ng madaling-araw.

Sa halip na umawat, kinuyog ng apat pang suspek ang biktima na agad nagtamo ng black eye at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Naunang isinugod ang biktima sa Laurel District Hospital pero inilipat kinalaunan sa St. Carbin Hospital dahil sa tindi ng bugbog na sinapit mula sa mga suspek.

Inihahanda na ng pulisya ang kaukulang kaso laban sa mga suspek. (Edwin Balasa)