Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Polistico inatake sa puso, dedbol

YUMAO na ang dating miyembro ng Philippine Team at sentro ng San Miguel Beermen at Alaska Aces na si Adriano “Dong” Polistico dahil sa atake sa puso.

Si Polistico, na nakilala bilang matindi sa depensa at bahagi sa ulang titulo ng Alaska at San Miguel, ay namatay sa atake sa puso Miyerkoles, ayon sa kanyang matagal na manager at ahente na si Danny Espiritu.

Ang 6-7 na Polistico ay napiling pang-apat sa pangkalahatan ng Alaska noong 1988 PBA Rookie Draft at naglaro ng siyam na season sa liga sa Beermen at Milk Kings na naging Aces.

Naging bahagi ito ng kauna-unahang pagkampeon ng Alaska noong 1991 Third Conference at kalaunan ay naging bahagi ng Philippine Team na pinagsama-sama ni Norman Black para sa 1994 Asian Games sa Hiroshima.

Ang dating Letran center ay naglaro din sa Welcoat sa PBL at sandali sa Iloilo Megavoltz sa MBA bago nagretiro noong taong 2000.

Sinabi ni Espiritu na si Polistico ay nagbase sa kanyang bayan sa Davao noong magretiro at nagsilbi pa bilang isang elected public official. (Lito Oredo)