Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

PBBM inaabangan sa PNP anniv

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang selebras­yon ng 121st Police Service Anniversary sa Camp Crame sa Quezon City ngayong umaga.

Aasistihan ang Pangulo nina Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. at Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., para ilatag sa 227,000-strong police force ang mga direktiba at plano ng pamahalaan para sa kapulisan.

Gugunitain sa pagdiriwang ang pagkakatatag ng dating Philippine Constrabulary (PC) ang unang insular police force ng bansa noong Agosto 8, 1901, sa ilalim ng temang ‘Matibay na Ugnayan ng Pulisya at Mamamayan, Tungo sa Pagkakaisa, Kapayapaan at Kaunlaran’.

Bilang commander-in-chief, pangungunahan din ni Marcos ang pagkilala sa mga katangi-tanging PNP unit at personnel gayundin sa mga pulis na nasawi habang ginagampanan ang kanilang tungkulin sa ba­yan at mamamayan.

Samantala, sinabi ni Azurin na magiging tampok ng selebrasyon ang pagba­langkas sa mga programang pangseguridad ng PNP na tinawag nilang ‘Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran’ (MKK=K) o Compassion, Order, Peace toward Progress. (Kiko Cueto)