Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Patrombon raragasa sa Mati Open netfest

BABALIK sa local tennis si Jeson Patrombon, mangunguna sa mga mga astig na sasabak sa Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala City of Mati Open na hahambalos ngayong Lunes (Hunyo 13) sa City of Mati Tennis Club sa Davao Oriental.

Nasa 16 na nangungunang manlalaro ng bansa ang papalo sa 32-player kasama ang nagbabalik na si Patrombon makaraang lumiban sa huling Open event, ang Fr. Suarez Open na pinamayagpagan ni Johnny Arcilla.

‘Di nakasali si Patrombon sa Suarez dahil sa pamumuno sa pagkampanya ng bansa sa Hanoi 31st SEA Games nitong Mayo 10-23. Pero nabigo sila ni partner Francis Casey Alcantara na maidepensa ang men’s doubles gold na nakopo sa 2019 Manila SEAG nang yumukod sa mga kababayang sina Treat Conrad Huey at Ruben Gonzales.

Patok pa rin ang multi-titled 29-year-old Iligan City ace sa top draw sa week-long tournament na magiging bahagi ng Mati’s 15th anniversary celebrations ng hosts, sa pangunguna ni Mayor Michelle Rabat, na tumitiyak sa matagumpay sa pagdaraos ng malaking torneo ng tennis sa kabisera ng lalawigan.

Hahampas pa rin ang beteranong si Arcilla na positibo makaraan ang straight-set win kay Leander Lazaro noong Mayo sa Fr. Suarez Cup sa Malabon City. Kasali rin sina Vicente Anasta, Joshua Kinaadman, Fritz Verdad, Noel Damian Jr., Norman Enriquez at Lazaro para sa top P40K purse sa event na mga inoorganisa nina City of Mati Tennis Club president Rosendo Linsag at Bobby Mangunay. (Ramil Cruz)