Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Pagkakalat ng fake news gagawing cybercrime

Naghain ng panukala ang isang mag-asawang mambabatas upang maging krimen ang paggawa at pagkakalat ng fake news.

Sa House Bill 2971, hiniling nina Malabon Rep. Veronique Lacson-Noel at An Waray party-list Rep. Florencio Noel na amyendahan ang Cybercrime Prevention Act o Republic Act 10175.

Sa ilalim ng panukala, ipapasok ang paggawa at pagkakalat ng fake news bilang isa sa mga pinaparusahang gawain sa ilalim ng RA 10175.

SM food to go Banner Ad

“Both misinformation and disinformation must not go unpunished, especially since it poisons the minds of out citizens by distorting the truth,” saad sa panukala.

Ang fake news ay nangangahulugan anila ng misinformation o disinformation sa pamamagitan ng istorya, katotohanan, o balita na ang layunin ay mamali ang alam ng mga nagbabasa o nakikinig. Gagamitin ng panukala ang parusa na nakasaad sa RA 10175. (Billy Begas)