Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Pag-atake ng Israel sa Gaza, 24 todas

Umabot na sa 24 ang bilang ng mga nasasawi habang pumalo na sa mahigit 200 ang sugatan sa sunod-sunod na missile attack ng Israel sa Gaza Strip sa Palenstine.

Sa report, kabilang sa mga pinakahuling biktima ang anim na bata sa Jabalia, northern Gaza. Kasama umano sa mga naunang nasawi sa pambobomba ang isang kumander ng Islamic Jihad group.

Nagbabala naman ang militar ng Israel na posible pang tumagal ng isang linggo ang ilulunsad nilang aerial at artillery campaign laban sa Islamic Jihad. Inihayag naman ni Egypt President Abdel Fattah al-Sisi na ginagawa nila lahat ang paraan para mawakasan ang karahasan sa pagitan ng dalawang kampo.