Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

P14M ecstasy, shabu bumulaga sa DHL warehouse

Umaabot sa P14.7 milyon na halaga ng umano’y shabu at ecstasy ang nasamsam ng mga awtoridad sa warehouse ng DHL sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon.

Ayon sa ulat, nakita sa warehouse ng DHL ang inbound parcel na kinabibilangan ng 300 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2,040,000.

Idineklara ang mga ito bilang house decor o mga wall sticker,

Samantala, nasabat naman sa Central Mail Exchange Center (CMEC) ang dalawa pang inbound parcel. Ang isa ay naglalaman ng mga tableta ng ecstasy na nakasiksik sa karton ng mga bed sheet at nagkakahalaga ng P8,908,000. Undeclared shipment naman ang isang parcel na naglalaman ng P3,801,200 halaga ng nasabing party drugs.

Ang matagumpay na pagkakasabat ng mga ilegal na droga ay bahagi ng kampanya ng BOC-NAIA laban sa ilegal na droga alinsunod sa regular na pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). (Otto Osorio)