Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Obiena balik na sa national team

PORMAL nang naibalik sa official roster ng national team ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) si Olympian pole vaulter Ernest John Obiena.

Ang magandang balita na ito ay resulta ng naging botohan ng PATAFA Board sa kanilang naging special meeting noong Sabado, Agosto 13.

Ayon kay PATAFA Executive Vice President Willie Torres, ito umano ang mando ni association president Teddy Capistrano.

Si Obiena, kasama ang lima pang atleta ay iniendorso ng PATAFA sa Philippine Sports Commission (PSC) bilang kanilang mga opisyal na national team member.

Ayon naman kay PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr. na ang desisyong ito ay magkakabisa ngayong buwan at ang mga pagbabago ay ibabase sa umiiral na quota sa loob ng koponan ng PATAFA.

“We are thankful to PATAFA leadership for taking this step to solidify the strength of our national athletics team,” ayon naman kay PSC Office-in-Charge Commissioner Bong Coo. (Annie Abad)