Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Nightclub naglagablab, 14 nalitson

Nasawi ang 14 na katao habang mahigit 40 ang sugatan nang sumiklab ang malaking sunog sa isang nightclub sa Thailand noong Biyernes.

Sa ulat, natagpuan ang karamihan sa bangkay ng mga biktima na magkakatabi sa entrance at banyo ng Mountain B nightclub sa Sattahip district sa lalawigan ng Chonburi. Kinabibila¬ngan ito ng 10 lalaki at apat na babae na may edad 17 hanggang 49.

Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog ganap na ala-1:00 ng madaling-araw at tumagal ng mahigit tatlong oras bago ito tuluyang nakontrol.

Samantala, agad namang iniutos ni Prime Minister Prayut Chan-O-Cha na imbestigahan ang insidente.