Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Newsome, Meralco pipigain mga bangko

Semis Game 3 ngayon: (Smart Araneta Coliseum)


(Parehong serye tabla 1-1)

KAKAILANGANIN ng Meralco ang kontribusyon ng bench para muling maisahan ang San Miguel Beer sa Game 3 ng kanilang PBA Philippine Cup semifinlas sa Smart Araneta Coliseum ngayong araw.

Noong Game 2, si Reymar Jose ang nagpakabayani nang umiskor ng 13 – lahat sa second half at 10 sa fourth – sa series-tying 99-88 win ng Bolts.

Usual pa rin ang produksiyon nina Aaron Black, Chris Newsome at Cliff Hodge na may team-high 17 points, 14 rebounds. Nakabawi din si Allein Maliksi mula sa anemic na shooting noong opener.

Isang tres at nakumpletong three-point play ang kinana ni Jose sa fourth para ilayo 88-79.

Inaasahang nakapahinga na rin si coach Norman Black na walang 24-oras pagbalik sa bansa mula US ay sumalang agad sa bench.

“I just arrived about 12 midnight yesterday. I had to adjust very quickly to what’s going on right now,” ani Black, inasikaso ang may sakit na ina hanggang mamatay. “I took a look at the game they played last game and I tried to make adjustments going into this game. I’ll do the same moving forward.”

Ang 22 points, 17 rebounds ni June Mar Fajardo ang bumandera sa Beermen, naiwan hanggang 37-20 sa kaagahan ng laro. Asawan din ang balikwas nina Chris Newsome, CJ Perez at Marcio Lassiter. (Vladi Eduarte)