Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Negosyante hinigop ng ilog, tigok

Halos hindi na umano makilala dahil sa pamamaga ang bangkay ng isang negosyante nang marekober ito sa ilog kung saan siya nalunod sa Navotas City nitong Sabado.

Sa ulat ng pulisya, ina­bot ng 11 oras bago narekober ang bangkay ng biktimang si Jerick Latorre, 37-anyos at residente ng Habitat, Tanza-2 ng nasabing siyudad.

Huli umanong nakitang buhay si Latorre kasama ang kanyang mga kaibigan noong Sabado ng alas-kuwatro ng hapon habang naliligo sa Tanza River, malapit sa water gate socialized housing sa Barangay Tanza-2, ­Navotas City.

Magkakasanib naman na naglunsad ng search and rescue operation ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), Navotas City Bureau of Fire Protection (BFP) at mga tuhan ng Sub-Station 1 (SS-1) para hanapin at iligtas ang biktima.

Nakita ang bangkay nito bandang alas-tres ng madaling-araw kahapon. Tumanggi na rin ang pamilya nito na ipaawtopsiya ang bangkay ng biktima. (Orly Barcala)