Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Nakapaa sa panaginip

Curious din ako sa aking panaginip kaya gusto ko rin itanong ano po ba ang ibig sabihin kapag napanaginipan na naglalakad ako ng nakapaa lang or walang sapatos? Siguro twice ko na napanaginipan na ganun. Hindi naman ako sa beach naglalakad. Parang sa kalsada talaga pero wala akong suot na sapatos. Minsan tinitingnan ako ng mga tao dahil sa ginagawa ko.

Ted

Alam mo, kahit pa sa unang tingin ay tila kakaiba ang panaginip mong ito o nakakamangha, hindi ka nag-iisa dahil isa rin ito sa mga common na napapanaginipan madalas nga lang na hindi ito napapansin o kaunti lang ang nakakaalala.

Marami ang nakakapanaginip nito dahil kapag naglalakad ka nang walang sapin sa paa, sinasabi nito na nagbubukas ang iyong senses lalo na spiritually.

Madalas na ang kahulugan nito ay may kaugnayan sa pag-alala sa iyong mga pangarap at pag-asa sa buhay.

Pag-isipan mong maigi kung ano ang nararamdaman mo sa panaginip habang naglalakad nang nakapaa? Ikaw ba ay relax o tila may mabigat sa kalooban mo? Naiiyak ka ba o nalulungkot habang naglalakad ng walang sapatos?

Ilan lang ito sa mga detalye na mahalaga para matukoy mo ang kahulugan nito.

Tandaan mo na alam ng ating isip ang ating mga emosyon at naipapakita ito sa galaw o kilos ng ating katawan, halimbawa na lang ng facial expression, body languange, o halimbawa ay itong panaginip mo na wala kang suot na anumang sapin sa paa.

Mahalagang parte ng ating buhay ang sapatos o tsinelas dahil napoprotektahan tayo nito sa mga posibleng bagay na makasakit sa ating paa. Pero ang kawalan naman ng sapatos at malayang paglalakad-lakad ay nagpapakita na komokonekta ka sa kalikasan.

Kaya nagsisilbi ring paalala ang panaginip na ito na balikan mo ang mga bagay na nagbibigay sa iyo ng relaxation. Baka sobra na kasi ang iyong pagka-stress sa mga pang-araw-araw mong ginagawa.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa [email protected]