Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

MMDA nagpaalalay sa DPWH vs Maynila baha

Nanawagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na mag-deploy ng kanilang mobile pumps para makatulong sa problema sa baha sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Ito ay matapos kumpirmahin nitong Martes ng DPWH ang isang balita kaugnay sa Padre Faure drainage, Remedios Drainage, sa Estero de San Antonio ay isinara para bigyan-daan ang mga pagsasaayos sa kapakinabangan ng Manila Baywalk Dolomite Beach.

Ang pagsasara sa tatlong drainage systems ay isinisi sa pagbaha sa Maynila, base sa report.

“Makipag-usap kami sa DPWH na i-mobilize na nila ‘yong mga mobile pumps. Meron naman silang mga mobile pumps eh,” pahayag ni MMDA acting General Manager Baltazar Melgar.

“So katulad diyan sa area ng Malate, diyan sa Baywalk, siguro eh i-mobilize muna natin, mag-temporary tayo ng mga mobile pump, i-deploy natin sa area, para maibsan naman yung pagbaha,” dagdag pa nito.

Ayon kay Melgar, mayroong 71 pumping stations sa Metro Manila, na aabot sa 75 kapag apat pang proyekto ang makumpleto sa taong ito. (Betchai Julian)