Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Miner, Eagles sa playoff

Ipinamalas ni AC Miner ang kakayanang imakatulong sa puntos sa pagtulak sa Ateneo Blue Eagles sa muling pagtaob sa UP Lady Maroons, 19-25, 25-11, 25-18, 25-19 sa pagtiklop ng 84tg UAAP women’s volleyball tournament second round elims sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay Huwebes ng gabi.

Nagtala si Miner ng 17 points mula sa 9 attacks at 8 blocks upang ibigay sa Ateneo ang pangwalong panalo sa 14 na laro at buhayin ang tsansa para sa sa semifinals. Sadlak ang talsik na sa next round Peyups sa 5-9.

Umayuda si Faith Nisperos ng 19 na puntos at si Vanie Gardner umiskor ng 14 puntos lahat sa attacks para sa Lady Eagles na rarambol sa stepladder semifinals playoff kontra Adamson Lady Falcons (8-6) sa Sabado ng alas-5:00 ng hapon sa MOA pa rin.

Muli ring sinakmal ng NU Lady Bulldogs ang Santo Tomas Golden Tigresses Tigresses, 25-22, 29-27, 25-17 upang mag-outright finalist na. (Lito Oredo)