Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Mga sikat na vlogger lang ang puwede sa Malacañang – Atty Angeles

Kinumpirma ni incoming Press Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles na ilan sa kanilang mga tinitingnan para ma-accredit ang mga vlogger sa Palasyo ay ang dami ng kanilang mga follower at engagement.

Sa panayam ng TeleRadyo, sinabi ni Angeles na patuloy nilang pinaplantsa ang requirements sa accreditation ng mga vlogger.

“Ang ginagawa namin ngayon is to review that [policy], kung tama naman na this is the right time to include them in press briefings, how often, what are the qualifications and so on. Hindi pa natin masasabi nang tapos kung regular accreditation ito, similar doon sa mga nagki-cover ng Malacañang events,” ani Angeles.

Ngunit ang masasabi lamang niya, kasama sa batayan ang dami ng follower at engagement ng mga vlogger na nais makapasok sa Palasyo.

“Tinitingnan namin ‘yong engagements kasi engagements really means that people are responding to what you have written or shown at interesado sila at naiinvolve sila doon sa sinasabi,” wika pa ng incoming press secretary.
“Ngayon, ang kino-consider namin, both following and engagements kasi magkaiba ‘yan. You can have a following but very few respond to your posts,” aniya. (Mark Joven Delantar)